HOME PAGE‎ > ‎HOME‎ > ‎

LATEST NEWS

Brigada Eskwela 2010, matagumpay

Isang matagumpay na Brigada Eskwela ang inilunsad sa Dibisyon ng Balanga City noong ika-24 ng Mayo hanggang ika-28 ng Mayo, 2010.  Idinaos ang isang misa at programa sa plaza ng Balanga City bilang hudyat ng pagsisimula ng Brigada Eskwela sa pangunguna ng ating butihing Punong Lungsod na si Kgg. Jose Enrique S. Garcia III. Ang programa ay may temang Brigada Eskwela Plus na layuning maisagawa ang Brigada hindi lamang bago mag-umpisa ang pasukan sa Hunyo kundi buong taon na itong isasagawa sa mga eskwelahan sa tulong ng mga magulang at stakeholders ng bawat paaralan. Bilang pakikiisa, ang mga guro at magulang ng ating paaralan ay nakilahok at naglaan ng panahon upang makasama sa parada at higit sa lahat sa mga gawaing nauukol sa pagsasaayos at paglilinis ng paaralan.

Nagkaroon din ng pampaaralang paglulunsad ng Brigada Eskwela at pagkatapos ng ilang araw na paglilinis at pag-aayos ng paaralan, isinunod naman ang pangwakas na programa para sa Brigada Eskwela. Dahil dito, sa pagpasok ng mga bata siguradong handa na ang lahat.

Comments