LATEST NEWS


Rosario, makikipagtagisan sa regional photojournalism

posted Feb 17, 2016, 11:44 PM by Cherry Miguel   [ updated Feb 18, 2016, 6:25 AM ]

Nagqualify
sa (RSPC)Regional School PressConference si June Patrick Rosario matapos makabilang sa 

mga nagwagi noong nakaraang Division School Press Conference (DSPC).  Ang RSPC ay   gaganapin sa 

San Fernando Pampanga, sa Enero 7, 2016.  Kamakailan lamang ay sumabak sa matinding pagsasanay sa 

Photojournalism ang ating pambato kasama ang kanyang coach/trainor Sir Marvin Santiago. 

 

DMI St. Joseph Chapter , Namigay ng Maagang Pamasko

posted Feb 17, 2016, 11:05 PM by Cherry Miguel   [ updated Feb 18, 2016, 6:26 AM ]

Namigay ng maagang pamasko ang Daughters of Mary Immaculate ng   Cathedral ng Balanga sa 60pamilya ng mga piling mag-aaral ng Bani Elementary School noong ika-15 ng  Disyembre.  Masayang    sinadya ng grupo ang nasabing paaralan. Bago ang   pamamahagi ay nagkaroon ng maikling programa upang pormal na maipadama sa  kanila ang mainit na pagtanggap ng mga magulang at  kaguruan sa pangunguna ng aming punongguro, Gng. Brenda B. Gaddi.  Buong kasiyahan niya silang  ipinakilala  na pinamumunuan ni Gng. Quezon.

Abot ang ngiti ng bawat kananayan habang tinatanggap ang bawat supot ng pangNoche Buena na  iniabot sa kanila.  Bukod dito ay nagkasiyahan ding nagsalu-salo ang lahat sa bitbit nilang malinamnam na Arozcaldo na may kasama pang bottled water.  Hindi man lamang nabakas ang kapaguran sa bawat sugo ng biyaya pagkat nabanaag sa kanilang mukha ang saya ng kanilang puso sa isinagawa nilang serbisyong totoo.  Maging ang mga   kaguruan ay naambunan rin ng biyaya.

 

Usapang Pangkaligtasan, PNP ang Bahala Dyan!

posted Feb 17, 2016, 10:32 PM by Cherry Miguel   [ updated Feb 18, 2016, 6:27 AM ]

  

Naimbitahang magsagawa ang Philippine National Police (PNP Balanga) at sa tulong ng Balanga Provincial Office ng isang makabuluhang talakayan sa Paaralang Elementarya ng Bani noong Setyembre 22.

 Naunang talakayin sa naturang programa ang Crime Prevention sa pangunguna ni PO2 Katherine G.Dela Cruz na sinundan ng pagbabahaginan ng kaalaman tungkol sa Drug Awareness na masayang  ibinahagi ni PO2 Ellen Ellano at ang umaatikabong usapan tungkol sa Anti-Bullying sa katauhan ni  PO2 Reichel Raymundo.

 Di rin nagpahuli ang mga bibong mag-aaral na walang kiming nagtanong sa mga kapulisan upang linawin ang mga ilang tanong na bumabagabag sa kanilang isipan.

 Itinampok din sa talakayan sa pangunguna ni PO1 Christian Ross Baluyot at PO1 Lawrence Espino ang kahalagahan ng isang mapayapang lipunan.

 Bago pa man tuluyang magpaalam ang mga  alagad ng batas, nag- iwan sila ng mga salitang tumatak sa kaisipan at puso ng bawat isa. “Makakamit natin ang mapayapang pamayanan kung lahat tayo ay sama- sama at magtutulungan”, ani pa ni PO2 Dela Cruz.

 

ANCOP, nagpaunlak para sa EDUCHILD

posted Feb 17, 2016, 10:22 PM by Cherry Miguel   [ updated Feb 18, 2016, 6:29 AM ]

Nagpaunlak ang ANCOP community sa pagpapahintulot ng kanilang chairman, G.Benjamin Burgos, na idaos ang EduChild Parenting Seminar sa kanilang chapel na siya ring multi-purpose hall  ng lugar.  Nagsimula ito noong Setyembre 11– Oktubre 15, 2015.

Dahilan sa may kalayuan ang paaralan para sa pagdalo ng mga magulang, hiningi ng punungguro Gng. Brenda B. Gaddi at Educhild Coordinator Gng. Beverlisa M. Reyes ang pahintulot ng chairman para pagdausan ng  nasabing seminar.

Naging epektibo at mas nasustina ang bilang ng nga magulang sa pagdaraos nito kada linggo.  Masiglang nakikipagtalakayan din ang mga participant sa bawat paksang tinatalakay sa kanila ng mga takdang speaker.

Isang pasasalamat ang ipinahahatid ng pamunuan ng paaralan sa kabutihang loob ng mga taga-ANCOP sa mga programa ng paaralan at ng pamahalaang lungsod.

 

Brigada Eskwela, nag-level up

posted Feb 17, 2016, 10:08 PM by Cherry Miguel   [ updated Feb 18, 2016, 6:30 AM ]

Pinarangalan bilang 2nd placer for Best Implementor of Brigada Eskwela 2015 Small School Category ang Bani Elementary School sa kauna-unahang         pagkakataon.

Tinanggap ni Gng. Brenda B. Gaddi, punong-guro, at G. Marvin S. Santiago, BE Coordinator, ang  parangal noong Setyembre 22, 2015 sa Crown Royal Hotel, Balanga City.

Naglevel-up ang taunang brigada ng paaralan dahilan sa pagkakaisa at tulong – tulong na paggawa ng pamunuan ng bawat komite. Inanyayahan ng paaralan ang AFP Balanga Camp, Fire Station, Jesus Christ of Latter Saints Day ganundin ang Kabalikat, 4P’s, Ancop Community, GPTA and HRPTA at Brgy. Cataning Council.

Positibong pagresponde sa imbitasyon ang ikinagalak ng mga kaguruan at ng punung-guro nang  kanilang paunlakan at sadyain ang paaralan upang makipagbrigada. May nagpintura sa bawat silid-aralan, may naghawan ng kadawagan, may nagbakod at naghalaman.

Maraming stakeholders din ang nag-pledge ng school supplies para sa mga mag-aaral tulad ng Rotary Club, Knights of  Columbus at Ms. Sharon Calanog.

Inspirado ang paaralan at komunidad sa natanggap na karangalan kung kaya’t nais nilang panatilihin ang kagandahan at kalinisan ng    paaralan kaalinsabay ng maganda at mabuting pakikitungo sa kanilang mga stakeholders. 

Tunay ngang napangatawanan ang taunang tema ng Brigada Eskwela 

Nutrisyon Pangalagaan mula sa Feeding Program

posted Dec 12, 2013, 7:13 PM by Cherry Miguel

    Bawa’t  isa’y nangangailangan ng malusog na pangangatawan upang maging listo at aktibo sa mga gawain, makapag-isip ng maayos sa klase at higit sa lahat upang malayo sa anumang uri ng karamdaman.

              ROTARY CLUB of BALANGA , isang samahan na naglalayong tumugon sa panga    ngailangang nutrisyon ng mga mag-aaral. Sila ang nagsisilbing daan upang matugunan ng sapat ang problemang ito. Sa kanilang kagandahang – loob sila’y magsasagawa ng pang-araw-araw na tulong sa pangangailangang pangnutrisyon sa pamamagitan ng “ Feeding Program “ na isinasagawa taun-taon  simula sa unang linggo ng Setyembre hanggang sa buwan ng Disyembre nitong kasalukuyang taon.Sa tulong ng koordinasyon ng aming guro na si Gng. Jackie Lou G. Saquing , katuwang ang  ating mga mahal na magulang ng mga mag-aaral na buong  tiyagang naghahanda at nagluluto araw-araw.

    Maisasakatuparan ang marangal na layunin ng programang ito dahil sa paniniwala ng bawat isa na kailangan ng pagkakaisa at pagtutulungan na gampanan ang tungkulin ng bawat isa para sa ikatatagumpay ng programang tumutulong sa iisang hangarin .....ang kabutihan ng ating mga anak...ang ating mga butihing mag-aaral sa BANI ELEMENTARY SCHOOL.

 

Magdiwang! Kampeon sa Agham!

posted Dec 11, 2013, 9:55 PM by Cherry Miguel

Ang aming mag-aaral kabilang na ang inyong lingkod ay nag-uwi  ng karangalan bilang “ Champion” sa larangan ng HOMO na ginanap noong September 14 , 2013 sa Paaralang Elementarya ng Tenejero.Sa suporta , tulong , at patnubay na rin ng aming coach na si Gng. May C. Limsuyang , kasama ang aming guro na sumubaybay na sina Gng. Marivic A. Larion , Bb. Grace B. Almario at G. Marvin S. Santiago ay matagumpay kaming nakipagtunggali sa iba pang mga piling mag-aaral na hinasa upang ipakita ang aming mga husay , kaalaman at talino.Kabilang din ang aming mga kapwa mag-aaral na ipinakita ang kanilang mga kakayahan sa larangan ng Agham at Teknolohiya ,Shaira Mae D. Vallejo ( Science Quiz -Ikatlong Baitang ) , Christopher A. Detera III ( Science Quiz Ika-apat na Baitang ) , PJ Russel D.Tillo (  Science Trivia Ika-apat na Baitang ) Nicole  Dela Cruz ( Science Quiz)Dan P. Garcia ( Science Quiz Ikaanim na Baitang ) , Rhea Hufalar , Jessica Claire Cariaga at   na nagkampeon sa HOMO ). 

Nagsimula ang programa  sa Covered Court at ginanap ang patimpalak sa bawat silid-aralan ng nasabing paaralan.

             Marahil bawat mag-aaral na nakipagtunggali sa nasabing patimpalak na nagmula sa iba’t ibang paaralan ng Siyudad ng Balanga ay may likas na talino , kakayahan at buong tapang na hinarap lahat ng pagsubok para sa karangalan ng kanilang paaralan. Higit sa lahat buong giliw kong ipinagmamalaki ang aking mga kapwa mag-aaral sa husay na aming ipinakita.Maging sa aming mga guro. Saludo kami sa inyong lahat! Keep Up The Good Work !!!Job Well Done !!!

  

NAT , 3rd PLACE

posted Dec 11, 2013, 6:16 PM by Cherry Miguel

    

Mahabang preparasyon ang naging susi upang tayo’y makilala muli sa larangan ng pakikipagtunggali. Malayo man ang ating paaralan ngunit sa katotohanan kaya nating makisabay sa galing ng iba pang paaralan sa Balanga. Pagsusumikap.pagtityaga at panalangin ang naging daan upang tayo’y maging ikatlo sa taunang  pagsusulit ang National Achievement Test na isinasagawa upang linangin pa ang ating kaa-laman at upang sukatin ang ating mga natutuhan buhat sa ating mga magagaling na guro sa Bani Elementary School sa loob ng isang taon pananatili natin sa ating paaralan.Go! Go !Go! Fight! Fight! Fight ! Lahat ng hamon sa larangan ng talino , at bisig handa tayong makipagtunggali upang ang ating paaralan ay makilala sa husay at galing.

 

Pagtatapos 2012

posted May 19, 2012, 7:52 AM by Cherry Miguel

Isinagawa ang pagtatapos sa Bani Elementary School noong ika 29 ng Marso, 2012 na pinangunahan ni G. Ramil R. Cubales, mga guro, mga magulang at mga mag-aaral. Ito ay dinaluhan nina Dr. Ronaldo A. Pozon, G. Fernando P. Cortez, Gng. Jeanette L. Andales, Mayor Joet S. Garcia at Brgy. Capt. Benigno P. Meriño at sanggunian.Isang pagbati at masayang pagtatapos para sa Batch 2012!

Donasyong aklat ng BPSU

posted May 19, 2012, 7:40 AM by Cherry Miguel

Nagkaloob ng mga aklat ang BPSU sa Bani Elementary School noong ika-22 ng Marso, 2012 para sa adhikaing makatulong upang mapanatili pa ang kawilihan ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Ito ay pinangunahan ni Dr. Elizabeth A. Joson at mga librarian ng BPSU at nagturo din sila kung paano ito mapapangalagaan at mapakinabangan pa ng maraming bata. Maraming salamat po.

1-10 of 50