LATEST NEWS‎ > ‎

Balanga Rotary Club feeding beneficiaries, nagdiwang

posted May 17, 2011, 7:18 AM by Cherry Miguel

             Matagumpay na naidaos ang pagtatapos para sa mga feeding beneficiaries ng Balanga Rotary Club noong ika-17 ng Disyembre, 2010. Kung saan ang mga bata ay pinagkalooban ng sertipiko at mga regalo mula sa  Balanga Rotary Club.

            Ang  supplemental feeding na ito ay tumagal ng halos tatlong buwan na binubuo ng mga 52 mga mag-aaral na mga kulang sa nutrisyon mula sa resulta ng Nutritional Status Report  ng Pre-elem hanggang sa ikaanim na baitang.

            Tunay na malaking tulong ito para sa mga mag-aaral, magulang at sa paaralan na magkaroon ng mga ganitong pagkakawanggawa para sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating mga kabataan.

            Mabuhay po kayo!

Comments