LATEST NEWS‎ > ‎

Bani ES, lumahok sa GSP Provincial Encampment

posted May 17, 2011, 6:34 AM by Cherry Miguel

    Ginanap GSP Provincial Encampment noong Nobyembre 12-14, 2010 sa Stella Mariz Beach Resort sa Bagac, Bataan. Ito ay may temang “Girls Worldwide say, “ Empowering Girls will change our World”, at pinamunuan ng dating Science Elementary Supervisor na si Dr. Anita M. de Dios.  

            Ang naturang gawain ay may layuning pag-ibayuhin pa ang kooperasyon ng lahat ng kabataang babae kasama ang kanilang guro sa iba’t-ibang aktibidad tulad ng chocolate making, arnis, arts and crafts, t-shirt painting, obstacle race, face to face at blue tapestry tungo sa pagtuklas ng kanilang kakayahan at talento.

            Lahat ng paaralan sa Dibisyon ng Balanga ay lumahok at nakiisa sa nasabing aktibidad. Kasama ang ating paaralan, tayo ay nagpadala ng tatlong piling mag-aaral na sina Jennifer E. Talastas (Grade IV), Neselie  A. Dela Cruz (Grade V) at Angelique D. Macapinlac (Grade VI) na ginabayan ni Gng. Gina Lou A. Abalos.

Comments