LATEST NEWS‎ > ‎

BPSU, nagturo sa mga magulang at mag-aaral

posted Aug 7, 2011, 2:52 AM by Cherry Miguel
Bilang adopted school ng BPSU, ang Bani ay patuloy na tumatanggap ng mga proyekto mula sa unibersidad. Noong ika-28 ng Hulyo, ginanap ang isang seminar para sa mga magulang hinggil sa tamang paraan ng pag-aaruga at pagpapakain sa kanilang mga anak higit lalo sa mga sanggol sa pangunguna ni Dr. Elizabeth A. Joson (Director ng Extension Services) at kanyang mga kasama sa Nursing Department ng BPSU. Kasabay nito, ang mga Kinder, Grade I at Grade II naman ay tinuruan ng tamang paraan ng pangangalaga sa kanilang mga ngipin at pagsesepilyo gayundin ang tamang paghuhugas ng kamay para sa "hygiene" at pagsasanay ng pangangalaga sa sarili at katawan. Namigay din sila ng mga sepilyo sa mag-aaral. May mga nakaplano pang mga proyekto na isasagawa ng BPSU para sa mga mag-aaral at paaralan ng Bani ES. Mabuhay po kayo!

Comments