LATEST NEWS‎ > ‎

BPSU, walang sawang sumusuporta sa Bani ES

posted May 15, 2011, 6:49 AM by Cherry Miguel

         Ang Bani ES bilang adopted school ng BPSU ay patuloy na tumatanggap ng suporta, tulong at benepisyo sa pangunguna ng butihing Pangulo nito na si Dr. Delfin O. Magpantay at Dr. Elizabeth A. Joson, Direktor ng BPSU Extension Services.    

     Noong nakaraang Brigada Eskwela nagkaloob sila ng mga telang magagamit sa pangkabuhayan o pagkakakitaan ng mga magulang sa Bani. Nagbigay din sila ng mga iba’t-ibang seedlings/puno na maitatanim sa paligid ng paaralan. Patuloy din nilang pinagbubuti ang ugnayan ng paaralan sa Sun Moon University ng Korea.  

     Ang pinakabagong plano at kasalukuyang isinasagawa ay ang pagkakaroon ng Bani ES ng isang maayos na Site Development Plan, Ground Improvement Plan at ang pag-aayos ng mga koneksyon ng kuryente upang maging ligtas ang mga mag-aaral at paaralan sa sakuna na maaaring idulot ng kuryente.

      Noong Setyembre 15, 2010 isinagawa ang ocular inspection ng mga inhinyero at arkitekto ng BPSU sa pangunguna ni Dr. Elizabeth A. Joson, Direktor ng BPSU Extension Services. Tinalakay din ang iba pang plano na magbibigay tulong at dagdag kaalaman sa mga guro , mag-aaral at magulang ng Bani ES.

      “Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang plano at ibubuhos na atensyon ng BPSU sa ating paaralan. Napakalaking tulong ito para sa mabilis na pag-unlad ng ating paaralan,” masayang pagmamalaki ng ating School Head na si Gng. Edna Q. Polache.

      Maraming salamat kay Dr. Delfin O. Magpantay, pangulo ng BPSU, kay Dr. Elizabeth A. Joson at sa iba pang kawani ng BPSU. (Ulat ni Crisel Joy Sindac)

Comments