LATEST NEWS‎ > ‎

Brigada Eskwela, nag-level up

posted Feb 17, 2016, 10:08 PM by Cherry Miguel   [ updated Feb 18, 2016, 6:30 AM ]
Pinarangalan bilang 2nd placer for Best Implementor of Brigada Eskwela 2015 Small School Category ang Bani Elementary School sa kauna-unahang         pagkakataon.

Tinanggap ni Gng. Brenda B. Gaddi, punong-guro, at G. Marvin S. Santiago, BE Coordinator, ang  parangal noong Setyembre 22, 2015 sa Crown Royal Hotel, Balanga City.

Naglevel-up ang taunang brigada ng paaralan dahilan sa pagkakaisa at tulong – tulong na paggawa ng pamunuan ng bawat komite. Inanyayahan ng paaralan ang AFP Balanga Camp, Fire Station, Jesus Christ of Latter Saints Day ganundin ang Kabalikat, 4P’s, Ancop Community, GPTA and HRPTA at Brgy. Cataning Council.

Positibong pagresponde sa imbitasyon ang ikinagalak ng mga kaguruan at ng punung-guro nang  kanilang paunlakan at sadyain ang paaralan upang makipagbrigada. May nagpintura sa bawat silid-aralan, may naghawan ng kadawagan, may nagbakod at naghalaman.

Maraming stakeholders din ang nag-pledge ng school supplies para sa mga mag-aaral tulad ng Rotary Club, Knights of  Columbus at Ms. Sharon Calanog.

Inspirado ang paaralan at komunidad sa natanggap na karangalan kung kaya’t nais nilang panatilihin ang kagandahan at kalinisan ng    paaralan kaalinsabay ng maganda at mabuting pakikitungo sa kanilang mga stakeholders. 

Tunay ngang napangatawanan ang taunang tema ng Brigada Eskwela 

Comments