LATEST NEWS‎ > ‎

Sun Moon University ng Korea, muling bumisita sa Bani ES

posted May 12, 2011, 7:52 PM by Cherry Miguel
            
Sa pangalawang pagkakataon, muling bumisita sa Bani ES ang mga estudyante at propesor ng Sun Moon University ng Korea. Noong Hunyo 26, 2010, isang programa ang inihandog ng Bani ES bilang pagsalubong sa kanilang pagdating. Dumating sa nasabing programa sina Dr. Delfin O. Magpantay, pangulo ng BPSU, Dr. Elizabeth A. Joson, Direktor ng BPSU Extension Services
,  Dr.Hilario D. Garcia, City Education Consultant, Dr. Leonardo D. Zapanta, Assistant Division Schools Superintendent, Kgg. Benigno P. Meriño, Brgy. Captain ng Cataning, mga Konsehal, mga magulang at mga mag-aaral.

           Sa kanilang humigit kumulang na dalawang linggong pananatili  sa paaralan, ibinahagi nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng pagtuturo ng isports na taekwondo, paper folding, laro, sayaw, kanta, lengguwahe at ang kanilang pambansang kasuotan na Han-bok.

           Namahagi din sila ng mga gamot, toothbrush/toothpaste at ilang gamit pang eskwela. Higit sa lahat, gumawa sila ng  mga bookshelves para sa bawat silid aralan, nagtayo ng basketball court para sa mga mag-aaral, pinaganda ang opisina ng pang-ulong guro at pininturahan ang buong gusali

          Bago sila magpaalam, nagkaloob sila ng isang feeding sa lahat  ng mag-aaral, nagbigay din souvenir  t-shirt sa lahat ng magulang. Noong Hulyo 10, 2010 nagkaroon ng isang pangwakas na programa bilang pagkilala at pasasalamat sa lahat ng serbisyo, tulong at suporta ng Sun Moon University para sa Bani ES. Ang pang-ulong guro na si Gng. Edna Q. Polache, mga guro, mag-aaral at magulang ay taos pusong nagpapasalamat sa Sun Moon University ng Korea, sa BPSU sa pangunguna ni Dr, Delfin O. Magpantay at sa lahat ng taong nasa likod ng mga biyayang ito.(Ulat ni Marissa Mendoza).

Comments