LATEST NEWS‎ > ‎

JVR Foundation School Feeding Program, patuloy pa rin

posted May 12, 2011, 8:10 PM by Cherry Miguel

Muling lumagda ng panibagong Memorandum of Agreement (MOA) si Gng. Edna Q. Polache, School Head ng Bani ES sa JVR Foundation Inc. para sa taong ito.
         Noong ika-6 ng Setyembre 2010, nagdaos ng maikling paglulunsad na palatuntunan ang Bani ES kasama ang mga magulang ng mga beneficiaries ng JVR Foundation School Feeding Program na binubuo ng 66 na mag-aaral na mula sa Pre-Elem at Unang Baitang. Layunin ng pamunuan ng paaralan sa tulong JVR Foundation School Feeding Program na makakain ang mga bata ng masasarap at masusustansyang pagkain na lubhang napakalaking tulong para sa pundasyon ng ibayong pag-unlad ng kanilang pag-aaral lalo na sa  kanilang panimulang  pagbasa.

        Ang kagandahang loob na ito ay mula sa pangunguna ni G. Jesus V. Del Rosario, founder ng JVR Foundation at G. Josue I. Sengco, manager ng JVR at K-Servico (Balanga City). Nawa ay hindi kayo magsawa at mabuhay po kayo! (Ulat ni Marissa P. Mendoza)

Comments