LATEST NEWS‎ > ‎

Computer Laptops, ipinagkaloob sa mga guro

posted May 17, 2011, 6:56 AM by Cherry Miguel

   Isa na namang kagandahang loob ng Balanga City Government sa pangunguna ng ating butihing Punong Lungsod na si Mayor Joet S. Garcia ang ipinagkaloob sa mga guro ng Dibisyon ng Balanga City noong ika-15 ng Disyembre, 2010 sa ginanap na Teacher’s Christmas Party sa Razz Resto Bar.

            Ipinagkaloob dito ang mga computer laptops na magagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Kabilang ang dalawa sa mga guro sa Bani ES ang pinagkalooban nito na sina Gng. Sharon L. Ibasco at G. Randy N. Tallotin. Gayundin ang iba pang mga guro sa Dibisyon ng Balanga City.

            Layunin nito na makatulong at maging makabago sa pamamaraan ng pagtuturo ang mga guro.

Comments