LATEST NEWS‎ > ‎

Buwan ng Wika, idinaos sa Bani ES

posted May 12, 2011, 8:04 PM by Cherry Miguel

Si Manuel L. Quezon na isa sa mga naging pangulo ng ating bansa ang siyang nagtakda ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa ng mga Pilipino na siyang ipinagdiriwang tuwing Agosto taon- taon.

Ang paksang diwa sa taong ito ay “Sa Pangangalaga sa Wika  at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan”.

           Bilang pakikiisa sa Buwan ng Wika, ang Paaralang Elementarya ng Bani ay nagkaroon ng iba’t- ibang gawain tulad ng munting palatuntunan na nakatuon sa kalikasan, pagsulat ng pormal at di pormal na sulatin at sanaysay, patimpalak sa pagguhit at  paggawa ng poster na naglalarawan ng Pilipinas noon at ngayon na isinagawa sa loob ng isang buwan. Ang mga mag-aaral na nagwagi sa paligsahan  at pinagkalooban ng gantimpala ay sina Labern Quintana (Grade 5), Cirilo Madriaga (Grade 5) at Angelique Macapinlac (Grade 6).

           Noong ika-30 ng Agosto, isinagawa isang programa, ang  bawat baitang  ay naghandog ng kani-kanilang natatanging bilang na nagpapakita ng iba’t ibang konsepto ng pagmamahal sa bayan. (Ulat ni  Cirilo A. Madriaga)

Comments