LATEST NEWS‎ > ‎

Eat Bulaga, dumayo sa Bani ES

posted May 17, 2011, 7:08 AM by Cherry Miguel

     Isang napakasayang pamasko ang inihandog ng Eat Bulaga Dabarkads sa mga taga Bani Es noong ika-16 ng Disyembre, 2010.

Ito ay dahil sa kagustuhan ng ating butihing Pang-ulong Guro na si Gng. Edna Q. Polache na magkaroon ng masayang Christmas party ang mga mag-aaral, naisipang niyang ilahok ang ating paaralan sa “Shembot Dance Contest” ng Eat Bulaga (GMA7), na ang mag mag-aaral ay sabay-sabay na sasayaw sa tugtog nito.

            Sa kabutihang palad, isa ang ating entry sa napiling bigyan ng consolation prize na mga pagkain para sa mga mag-aaral,  ilang gamit pang-eskwela at ang kasiyahang makita at makasama ang Eat Bulaga Dabarkads na si Diana Meineses.

            Hindi matatawarang tuwa at kasiyahan ang mababakas sa mukha ng mga guro, mag-aaral at mga magulang na nakasaksi sa pagkakataong ito.

Comments