LATEST NEWS‎ > ‎

Seminar sa Disaster Preparedness, matagumpay

posted Aug 7, 2011, 12:57 AM by Cherry Miguel
Muli na namang nakiisa ang Bani ES sa pagdiriwang ng Disaster Preparedness Month, na kung saan idinaos ang seminar ukol dito noong ika 18 ng Hulyo 2011 sa AVR ng Bani ES. Dinaluhan ito ng mga guro, mga magulang at ilang piling mag-aaral mula sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang. Ang seminar na ito ay pinangunhana ng City Disaster Coordinating Council ng Balanga City. Layunin nitong makatulong at makapagbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa pagiging handa sa anumang sakuna at makapagbigay ng tulong sa sinumang nangangailangan ng pangunang lunas.
Comments