LATEST NEWS‎ > ‎

Eleksyon ng GPTA, idinaos

posted Aug 7, 2011, 12:48 AM by Cherry Miguel
Isang matagumpay na eleksyon ng General PTA ang idinaos noong Hunyo 29, 2011 sa Bani ES na pinangunahan ni G. Ramil R. Cubales. Dinaluhan ito ng mga magulang mula sa Kinder hanggang sa ikaanim na baitang. Naging maayos at payapa ang pagtitipon na kung saan idineklarang Pangulo si G. Noel P. Macapinlac at ilan pang mga magulang na nanalong bagong pamunuan ng GPTA ng SY 2011-2012. Si Kagawad Ramiro Tigas, Education Coordinator ng Barangay Cataning, ang nagpanumpa sa mga HRPTA at GPTA. Isang maligayang pagbati po sa lahat.
Comments