LATEST NEWS‎ > ‎

Fun Run for Education

posted Aug 6, 2011, 10:00 PM by Cherry Miguel
Hindi naging hadlang ang malakas na ulan upang maisagawa ang National Fun Run for Education 2011 na may temang " Every runner a Finisher, Every Finisher a Winner" noong ika-19 ng Hunyo, 2011 sa Balanga City. Ito ay sa pangunguna ng butihing Punong Lungsod Joet Garciang na nilahukan ng mga guro at iba pang sangay ng pamahalaang Lungsod ng Balanga higit sa lahat ang mga pribadong sektor at mamamayan . Ang lahat ay nakiisa sa paglakad mula sa plasa mayor paikot sa Ibayo at Capitol pabalik sa plasa. nagkatoon din ng maiksing programa para dito. Layunin nitong makalikom ng mga halaga o anumang maiaambag na gamit o paggawa na maibibigay sa lahat ng paaralang pampubliko ng Balanga City. Isa itong paraan ng bayanihan muli sa bayan ng Balanga upang patuloy na maitaguyod ang pag-aaral ng mga kabataan. 
Comments