LATEST NEWS‎ > ‎

Ibong dayo, nilahukan

posted May 17, 2011, 6:46 AM by Cherry Miguel

Ipinagdiwang noong ika 10-11 ng Disyembre ang taunang Bird Festival o Ibong dayo sa ating lungsod na pinangunahan ng ating Punong Lungsod na si Mayor Joet S. Garcia.

            Nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad tulad ng film showing, wall painting, face painting, origami, bird arts at iba pa. Naging panauhing pandangal sa naturang pagdiriwang ang ating Bise Presidenta na si Kgg. Jejomar Binay.

            Ito ay  nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa una hanggang sa ikaanim na baiting at ginabayan nila Gng. Gina Lou A. Abalos at Bb. Teresa G. Bamba.

            Isang kapaki-pakinabang na karanasan ito para sa mga mag-aaral at ilan pang panauhin upang maipakita ang pagpapahalaga sa mga ibon sa ating kapaligiran.

Comments