LATEST NEWS‎ > ‎

Macapinlac, wagi sa DSPC

posted May 15, 2011, 6:35 AM by Cherry Miguel

 Lumahok ang  Bani ES sa  Division School Press Conference (DSPC) na ginanap noong ika-11 ng Setyembre 2010 sa Balanga ES kung saan nakamit ni Angelique D. Macapinlac, mag-aaral sa  ikaanim na baitang ang ikalimang pwesto sa kategoryang Pagsulat ng Balita (Filipino).

     Isa na naman itong karangalan para sa Paaralang Elementarya ng Bani. Ang ilan pa sa naging kalahok ay sina Crisel Joy Sindac, Criselene A. Dela Cruz, Labern A. Quintana, Kimberlyn D. Valentos at Cirilo A. Madriaga na mga mula sa ikalima at ikaanim na baitang. (Ulat ni Angelica Del Mundo)

Comments