LATEST NEWS‎ > ‎

Post-Valentines Party, ipinagdiwang sa Bani ES

posted May 17, 2011, 7:58 AM by Cherry Miguel

        Isa na namang matagumpay na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ang isinagawa sa Bani ES noong Pebrero 28, 2011.

            Itinampok dito ang iba’t-ibang presentasyon ng mga mag-aaral mula Pre-Elem hanggang ikaanim na baitang. At sinundan ng pagpapakilala at pagpapakita ng talento ng mga kalahok sa Mr. at Ms. Valentines 2011.

            Ang nagwagi at nagkamit ng pinakamalaking nalikom na halaga ay mula sa Pre-Elem na sina Zyrell  Balingbing at Kirsten Kate Nisperos na siyang tinanghal na Mr. at Ms. Valentines 2011. Ang iba pang nagwagi ay sina Neri Macapinlac at Jhacel Jade Mendoza (Grade I) ang nagkamit ng 1st Runner up, sina Bernardo Valentos at Bernadette Isuan (Grade IV) ang 2nd Runner up at sina Crisanto Mendoza at Aira Camille Baltazar (Grade V) ang nagkamit ng 3rd Runner up. 

            Ang ilan pang mga nagwagi ay sina Russien Dale Nisperos at  Jessica Claire Cariaga  (Grade III)

na tinanghal na Mr. at Ms. Talent, Jefferson Juco at Mary Joy Barte (Grade VI) na Mr. at Ms. Photogenic, Justine Ladia at Nicole Dela Cruz (Grade II) na tinaguriang Mr. at Ms. Friendship.

            At sa huling bahagi ay nagkaroon ng palaro na “Find Your Match” at panlahatang sayawan para sa lahat ng mag-aaral.

            Ang nalikom na halaga ay siyang ginugol sa pagpapabakod ng paaralan na siyang proyekto ng PTA at SPG sa ating paaralan.

    

Comments