LATEST NEWS‎ > ‎

Pangkabuhayang Proyekto para sa taga- Bani

posted May 12, 2011, 11:03 PM by Cherry Miguel

Naglunsad ang Pamahalaang Lungsod ng Balanga ng isang Livelihood Program para sa mga mamamayan ng Bani. Noong ika -7 ng Setyembre, ipinagkaloob ang mga Kabuhayan Showcase sa ilang pamilya ng Bani sa pangunguna ng ating butihing Punong Lungsod na si Mayor Jose Enrique S. Garcia III, Vice Mayor  Noel L. Valdecañas, mga Konsehal, at ng City Agricultures’ Office (OIC)– Bb. Nerissa Mateo. Layunin ng programang ito na mabigyan ng hanapbuhay o pagkakakitaan ang mga mamamayan upang matugunan ang pangangailangan o kahirapan. Ang ilan sa mga napagkalooban ng Kabuhayan Showcase ay sina Ruthess Balingbing at Maribel Cabritit – Sari-sari Store, Nerissa Dela Cruz – Pedicure/Manicure Set, Racquel Isuan – Bigasan, at Efren Cariaga at Jimmy Buan – Softdrink Dealer. Ang iba ay pakakalooban pa sa mga susunod na panahon. (Ulat ni Labern A. Quintana).


Comments