LATEST NEWS‎ > ‎

Education Summit 2011

posted Aug 7, 2011, 1:05 AM by Cherry Miguel
Sa
pangunguna at suporta ni Mayor Joet S. Garcia, muling nagkaroon ng Education Summit na ginanap noong ika-23-24 ng Hulyo, 2011 sa Loius Restaurant. Ito ay ikatlong Education Summit na dinadaluhan ng mga guro at mga magulang sa paaralang elementarya at sekondarya ng Balanga City. Ito ay nagtuturo sa mga guro ng tamang pakikitungo sa propesyon at mga bata sa paaralan. Sa kabilang banda naman, ang mga magulang ay binibigyan naman ng mga paraan kung paano mapapalaki ang kanilang  mga anak upang maging mabuting tao at mamamayan pagdating ng panahon. Isa itong malaking pagkakataon upang  ipaalala ang responsibilidad ng mga guro at magulang sa mga kabataan.

Comments