LATEST NEWS‎ > ‎

Teacher's Month, ipinagdiwang

posted May 15, 2011, 6:53 AM by Cherry Miguel

            Bilang pagsunod sa DepEd Memo tungkol sa Teacher’s Month Campaign at World’s Teacher’s Day Celebration, ito ay dapat ipagdiwang simula Setyembre 4 hanggang Oktubre 5. Hinggil dito, nagkaroon ng iba’t-ibang gawain ang mga mag-aaral at magulang sa pangunguna ng Pang-Ulong Guro na si Gng. Edna Q. Polache.

      Araw-araw ay may natatanggap na mumunting regalo ang mga guro sa mga mag-aaral at magulang. May nagpapadala ng mga pagkain, cards at sulat na naglalaman ng mga mensahe. May mga lumikha din ng mga tula  na nagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga guro.

      Noong ika-4 ng Oktubre 2010, nagdaos ang paaralan ng isang palatuntunan bilang pagpupugay sa mga guro. Naghandog ng mga awit, sayaw, tula at bulaklak ang mga bata at magulang, pagkatapos ng programa, sabay-sabay na nagsalu-salo ng tanghalian ang lahat. (Ulat ni Marissa P. Mendoza)

Comments