LATEST NEWS‎ > ‎

Teacher's Congress, dinaluhan ng mga guro

posted Aug 7, 2011, 3:10 AM by Cherry Miguel
Hindi mabilang na mga guro ang dumalo sa Teacher's Congress na ginanap noong ika-5 ng Agosto, 2011 sa People's Center sa Capitol, Balanga City. Naging panauhing pandangal sina Cong. Abet S. Garcia, Gov Tet Garcia, Mayor Joet S. Garcia at Cong. Minia Roman na nagbigay ng mga pagbati sa accomplishments ng mga guro at magagandang plano para sa mga guro. Dinaluhan ito ng mga guro sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong Bataan at Balanga City upang bumoto sa panibagong pamunuan na ihahalal sa Bataan Public School Teachers Association. Isa rin itong masayang pagsasama-sama at pagkikita ng mga gurong dating magkakatrabaho.

Comments