LATEST NEWS‎ > ‎

United Nation at Family Day, magkasabay na ipinagdiwang!

posted May 15, 2011, 7:19 AM by Cherry Miguel

Magkasabay na ipinagdiwang ng Bani ES ang United Nation at Family Day noong ika-26 ng Oktubre 2010.Sa pangunguna ng General PTA Officers ng Bani ES, isang masaya at di malilimutang Mr. and Mrs. United Nation at Family Day ang naganap sa Bani ES. Nagkaroon ng paligsahan na kung saan ang mga magulang ay naging kalahok upang makalikom ng halagang gagamitin sa pagpupundar ng gamit sa paaralan tulad ng  “Sound System” at “Mower”.             

    Ang mga kalahok at nagwagi ay sina: 1st place– G. Noel Macapinlac (Gr.6) at Gng. Cherrilyn Mendoza (Gr 3); 2nd place – G. Orlando Returban at Gng. Rosalie Returban (Pre-Elem); 3rd place – G. Alex Hufalar (Gr. 3) at Gng. January Mendoza (Gr. 1); 4th place – G. Ricardo Mendoza Jr. ( Gr. 1) at Gng. Celina Manila (Gr. 6); 5th place – G. Herminio Ladia (Gr. 2) at Gng. Criselda Baltazar (Gr. 5); 6th place – G. Eddie Ariones (Gr.4) at Gng. Leah Buan (Gr.2); at 7th place – G. Rene Dacasin (Gr.5) at Gng. Marlyn Valentos (Gr. 4).

        Kasabay nito ang pagdaraos ng Family Day na dinaluhan ng mga mag-aaral kasama ang kani-kanilang pamilya.Nagsalu-salo ang lahat sa mga pagkaing inihanda ng bawat baitang. Higit sa lahat, nagkaroon ng mga palaro para sa buong pamilya at mag-asawa.

      Tunay na mababakas ang kasiyahan sa mukha ng bawat isa. At ang lahat ay umuwing may mga ngiti sa kanilang mga labi. (Ulat ni  Crisel Joy Sindac)
Comments