LATEST NEWS‎ > ‎

Usapang Pangkaligtasan, PNP ang Bahala Dyan!

posted Feb 17, 2016, 10:32 PM by Cherry Miguel   [ updated Feb 18, 2016, 6:27 AM ]

  

Naimbitahang magsagawa ang Philippine National Police (PNP Balanga) at sa tulong ng Balanga Provincial Office ng isang makabuluhang talakayan sa Paaralang Elementarya ng Bani noong Setyembre 22.

 Naunang talakayin sa naturang programa ang Crime Prevention sa pangunguna ni PO2 Katherine G.Dela Cruz na sinundan ng pagbabahaginan ng kaalaman tungkol sa Drug Awareness na masayang  ibinahagi ni PO2 Ellen Ellano at ang umaatikabong usapan tungkol sa Anti-Bullying sa katauhan ni  PO2 Reichel Raymundo.

 Di rin nagpahuli ang mga bibong mag-aaral na walang kiming nagtanong sa mga kapulisan upang linawin ang mga ilang tanong na bumabagabag sa kanilang isipan.

 Itinampok din sa talakayan sa pangunguna ni PO1 Christian Ross Baluyot at PO1 Lawrence Espino ang kahalagahan ng isang mapayapang lipunan.

 Bago pa man tuluyang magpaalam ang mga  alagad ng batas, nag- iwan sila ng mga salitang tumatak sa kaisipan at puso ng bawat isa. “Makakamit natin ang mapayapang pamayanan kung lahat tayo ay sama- sama at magtutulungan”, ani pa ni PO2 Dela Cruz.

 

Comments